"Ang buhay ng tao ay parang bulaklak, nagbibigay kulay ngayon sa mundo mo, pero hindi mo alam bukas makalawa mawala na ang kulay nito at kusang mamatay"
Sa December dalawang taon na, dalawang taon na simula noong mawala ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, siya nagiisang nakakaunawa sa mga kinikilos at sinasabi ko, siya hindi nagsawang punasan yung luha ko sa bawat oras na papatak ito, siya ang walang sawang maging best friend ko kahit minsan, nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.
Sa loob ng sampung taon na pinagsamaha natin, siguro dumaan yung mga taon na text at internet lang tayo nagkakausap pero yung affection mo ay di nawala kahit na minsan.
Ito yung mga dahilan kung bakit kahit gaano na kahaba ang taong lumipas ay sariwa parin saking isipan ang lahat ng mga pangyayari at kung paano ka nawala sa buhay ko, na nawala ka sa mundong ito na wala ako sa tabi mo, kahit na noon ang request mo na sana pag namatay ka, ako ang nasa tabi mo, yung sulat mo sa bote na iniwanan mo sa bahay na sabi mo basahin ko lang pagwala kana, hanggang ngayon sa bawat oras na mababasa ko yun, pareho at pareho parin ang sakit.
Ang kalimutan ka, ang isang bagay na hindi ko kayang gawin, pero ng dahil dito nanatili ang poot at sakit sakin, patawarin mo ako, kasi alam kung hindi mo gusto yung nangyayari sakin ngayon, wag kang magaalala siguro sa huling marka ko na gagawin sa sarili ko, yun na yung time na makakasama na kita.