A month ago nagaway kami dahil sa may isang bagay na natanong ako, I wonder why nagalit siya ng sobra sa tanong na yon, ang tanong ko lang naman "Do you really care" tapos ayon nagalit na siya, ako ito kasi mahalaga yung tao sakin, message ako ng message ng sorry with matching sad words pa. Oo alam ko Nursing Student ako pero wala pa akong tinuturok na anesthesia sayo para maging manhid ka na may pinagdadaanan ako. Tinatagan ko lang yung loob ko na magiging okay ulit kami, oras lang ang kaylangan, pero naging tanga ako at naniwala ako sa instinct kung yun, nung titingnan ko na yung account niya to check for some updates laking gulat ko nung "ADD AS FRIEND" nalungkot ako sa aking nakita, kulang nalang iblock niya ako eh, pero okay lang yan, pag may umalis kasi may darating, pero sana wag na lang dumating yun at bumalik nalang yung umalis, ganyan kahalaga sakin yung taong yun pero anu bang magagawa ko he already decided, nilunok ko na pride ko gusto niya pa yata pati surf at tide lunokin ko na para lang mapatawad niya ako,
Sa kasalukoyan ito di ko muna siya inaadd wala naman akong pride na dala ang gusto ko lang makapagisip siya at sana after months maalala niya ako at bumalik siya,
pero wag kayong gagaya sakin na umaasa, kaya ako ganito sa dahilang, pangatlong ulit na itong nangyari samin at alam kung babalik pa siya,
tandaan niyo ito
"WAG MO NG HABULIN ANG TAONG LUMAYO SAYO DAHIL DUN PALANG PINAKITA NIYA NA AYAW NIYA NA SAYO"
No comments:
Post a Comment