Saturday, August 16, 2014

ANG GINOONG SERYOSO

"Hindi lahat ng masiyahing tao ay masaya, tinatago lang nila ang nararamdaman nila sa pamamagitan ng pagtwa"
 "Hindi lahat ng taong seryoso ay talagang seryoso siguro may mga nakaraan lang talaga na dahilan kung bakit sila ganoon" 

Marami sa ating lahat ang madaling humusga sa ibang tao, kahit hindi pa naman natin sila lubosang nakikilala, isa yan sa siguro pinagdaan ko, nahusgahan ng hindi pa lubosang kilala. 

Hayaan niyo akong ikwento ang isang pangyayari sa buhay ko, na siguro naging paraan para maunawaan ako ng maraming tao. 

Ilang taon narin yun, sa isang event, binigyan kami ng pagkakataon na tanongin ang isat-isa, sa di inasahang pagkakataon may isang bata, na nagtanong sakin

"Kuya P, minsan po kasi di ko maunawaan yung ugali mo, alam ko na mabait ka, pero bakit minsan straight ka magsalita at the same time ang seryoso mo po" 

Nung panahong yun, bagsak pa ang mundo ko, my best friend had just passed away, and kaka recover ko lang from a coma. I took that chance na maipaliwanag ang sarili ko kasi, alam ko na kinakainisan ako dahil sa pagiging seryoso ko at straight to the point at minsan nakakapagbitaw ako ng mga di magagandang salita. 

"To tell you honestly, siguro kaya wala akong fun sa buhay at yung reason kung bakit lagi akong seryoso eh siguro dahil nga never akong naging bata, never kung naranasan magpakabata, lahat ng oras ko simula maliit pa lang ako, ay inubos ko na pagbabasa ng mga libro, pagkukulong sa kwarto, at pag gawa ng ilang mga bagay na para sa negosyo ng pamilya, hindi ako ganoon kagaling makipag socialize sa mga tao kasi nga wala akong fun sa buhay, minsan kahit pabiro na yung gusto kung iparating nagiging seryoso parin siya kasi iniisip ng lahat, na ang bawat sasabihin ko ay seryoso ako, sa kung aking babalikan sa dami ng nakasama ko sa buhay na ito 3 lang yung maituturing kung mga kaibigan at dahil nga may plano ang diyos, kinuha niya na ang isa sa tatlong iyon, pasensya na kung wala akong fun sa buhay para gawing nakakatawa lahat ng bagay dahil isa ako sa mga taong pinagkaitang maging bata, lumalaki akong walang ibang ginawa kung hindi patunayan ang sarili ko kasi kahit anung daming medalya pa ang iuwi ko, basura lang yan para sa mga magulang ko, ni minsan sa loob ng aming tahanan ay hindi ko naranasang mapuri tungkol sa mga nakamit ko sa buhay, ni hindi ko naranasang sabihan ako na masaya sila para sa akin, ang palagi ko lang naririnig KULANG PA" 

Noong oras na yun habang binababanggit ko ang mga katagang yun ay dumadaloy ang mga luha sa mata ko, at makaraan kung sabihin yun isang sumunod na katanungan pa, 

"Kuya bakit kahit anung lalim ng pinagdadaanamn mo, ngayon ka lang namin nakitang umiiyak kasi palagi kang masaya at seryoso lang" 

"Dahil hindi ko gustong kinakaawaan ako ng iba, pinipili kong ipakitang masaya ako kasi kahit naman maging malungkot ako, walang may pakialam, mas pinipili ko nalang na itago lahat ng sugat kasi mas gusto kung nakikita ako bilang masaya kisa malungkot at kinakaawaan" 

isang aral na hindi ko alam kung mapupulot niyo dito ay ang, Hindi tayo dapat humuhusga base so una nating pagkakilala sa isang tao,bakit hindi natin alamin ang kwento para maunwaan natin, at hindi lahat ng taong masaya ay masaya talaga minsan ginagawa lang nilang masaya ang sarili nila upang hindi kaawaan ng iba. 

No comments:

Post a Comment