"Quiapo, Quiapo, Quiapo" - "Pasig, Pasig, Pasig" - "Punta, Punta, Punta", ilan lamang yan sa karaniwang lugar na naririnig natin sa mga barker ng mga Jeep. Sa mga kagaya ko na araw-araw sumasakay ng Jeep patungo sa paaralan, trabaho o sa mga date nila, ay maraming nararanasan sa loob ng jeepney.
"Sampuan yan, kasya pa kasya pa" isang linyang kalimitang nagpapainit ng ulo natin tuwing sasakay tayo ng jeep, yung tipong halos magpalit na kayo ng muka ng katabi mo dahil para kayong sardinas sa loob ng Jeep. Yung kasya pa daw ang isa pero nung pagsakay naman eh kakalahati na lang ng pwet mo ang makakaupo, minsan natatanong ko, yung totoo buo yung binayad ko pero kalahati lang yung nakaupo, nangyayari ang bagay na ito sa kadahilanang gustong kumita ng malaki ng ating mga manong jeepney driver, di naman natin sila masisisi dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, kung hindi sila ang masisisi, sino ang dapat sisihin. Una nating dapat sisihin ay yung mga pasaheron makabukaka sa pagupo akala mo dalawa yung binayaran niya eh isa lang din naman, pangalawa ay yung mga taong ang lapad na ang inuupuan ay pang dalawang tao, bakit kaya hindi kayo magbayad ng doble total dalawa naman yung capacity niyo, di ba kayo nahihiya na isa lang binabayaran niyo pero dalawa capacity niyo.
Yung mga amoy na halos tumira na sa ilong mo, habang nasa jeep ka, alam ko na naranasan niyo narin na magkaroon ng katabi sa Jeep na may di magandang amoy, Tapos nagkakataon pa minsan na nakataas pa ang kamay ni kuya, tapos yung amoy ng kili-kili ni kuya ay akala mo ay bagong taon sa lakas ng putok, hindi niyo ba naiintindihan na tao din kami, nasusuka sa amoy ng kili-kili niyo, sana minsan maligo din kayo ng maayos para mawala naman yang mabahong amoy ninyo na nakakahilo.
Bukod sa ilang mga hindi mga kagandahang nangyayari sa Jeep,meron din namang pabor sa atin at alam kung sumasaya kayo pag nangyayari ang mga bagay na ito, kagaya ng makatabi mo ay isang gwapo/maganda, o kaya naman makasabay mo si Crush tapos magkatabi kayo, pabor sayo kung siksikan diba? o para naman dun sa mga manyak, yung mga babaeng sumasakay na halos lumabas na ang kaluluwa, labas na ang dibdib o kaya naman ay pagumuupo ay matatanaw mo ang kweba ni eva.
Hindi maiiwasan ang mga ganitong mga pangyayari sa Jeepney, ano ba naman ang magagawa natin ay parepareho lang naman tayong nakakaranas ng mga ganito dahil ito na ang pinakamurang paraan ng transportasyon sa ating bansa. Wala tayong magagawa kung hindi magtiis, pero para naman dun sa may putok hindi naman kaylangang laging magtiis, baka naman trip mo ring maligo ng maayos kahit minsa.
TANONG LANG BAKIT BARKER ANG TAWAG, YUNG TOTOO ASO BA SILA?
No comments:
Post a Comment