Monday, October 13, 2014

Bestfriend to a Stranger

Naisip ko lang saan ba nakuha yung idea ng Bestfriend na yan at ng stranger na yan, ang sarap durogin kasi dinudurog nila ang psuo ko ngayon. Isa sa malaking issue ng Buhay ko ngayon ay ang tungkol sa isang Chinese kung Bestfriend, FO kami, Friendship Overload.

A month ago nagaway kami dahil sa may isang bagay na natanong ako, I wonder why nagalit siya ng sobra sa tanong na yon, ang tanong ko lang naman "Do you really care" tapos ayon nagalit na siya, ako ito kasi mahalaga yung tao sakin, message ako ng message ng sorry with matching sad words pa. Oo alam ko Nursing Student ako pero wala pa akong tinuturok na anesthesia sayo para maging manhid ka na may pinagdadaanan ako. Tinatagan ko lang yung loob ko na magiging okay ulit kami, oras lang ang kaylangan, pero naging tanga ako at naniwala ako sa instinct kung yun, nung titingnan ko na yung account niya to check for some updates laking gulat ko nung "ADD AS FRIEND" nalungkot ako sa aking nakita, kulang nalang iblock niya ako eh, pero okay lang yan, pag may umalis kasi may darating, pero sana wag na lang dumating yun at bumalik nalang yung umalis, ganyan kahalaga sakin yung taong yun pero anu bang magagawa ko he already decided, nilunok ko na pride ko gusto niya pa yata pati surf at tide lunokin ko na para lang mapatawad niya ako,

Sa kasalukoyan ito di ko muna siya inaadd wala naman akong pride na dala ang gusto ko lang makapagisip siya at sana after months maalala niya ako at bumalik siya,

pero wag kayong gagaya sakin na umaasa, kaya ako ganito sa dahilang, pangatlong ulit na itong nangyari samin at alam kung babalik pa siya,

tandaan niyo ito
 "WAG MO NG HABULIN ANG TAONG LUMAYO SAYO DAHIL DUN PALANG PINAKITA NIYA NA AYAW NIYA NA SAYO"

Mga Pangako

"I PROMISE"  
Nabiktima knaba ng linyang ito?

Wag kang mag-alala kami rin. 

Ito yung linyang kalimitan nating naririnig natin sa mga kaibigan o taong mahal natin na kadalasan ay nauuwi lang sa "SORRY". Dalawa lang yung pwede mong maramdaman, pero depende parin naman yun sa relasyon mo doon sa taong nangako sayo, o kaya naman sa bigat nang pangako niya, 

Halimbawa na dyan ay kung sakaling may isa kang kaibigan na nangako sayo na magkikita kayo pagkatapos nang isang event, pero hindi siya dumating, ni anino niya hindi mo nakita, syempre ikaw naghintay kaya nagmuka kang tanga, syempre makakaramdam kang ng Inis, pro tama na yung inis wag ka ng magtampo ng bongga at dadamdamin mo pa, wait diba KAIBIGAN ka nga lang niya kaya wala kang karapatang magdamdam at magdrama ng bongga hindi kayo kaya tama na yung mainis ka pero yang magdrama ka boung buhay mo ay wag kang tanga, 

Pero kung kayo naman, sige umiyak kana, dugo pa ang iiyak mo, pero kung ang iiyak mo lang ay dahil sa maliit na pangako, gaga ka kung ganon, pero yung hindi siya dumating sa anniversary date niyo ay nako sinasabi ko sayo maghiwalay na kayo, niloloko ka lang niya, pero alamin mo muna ang dahilan kung bakit hindi siya dumating. 

para naman sa mga nangangako, aba nangako kayo kaya pakiusap tuparin niyo, nakakahiya sa mga pinangakoan niyo. 

Post dedicated to: L.K.M.O.

Wednesday, September 17, 2014

Dalawang Taon na ang nakalipas

"Ang buhay ng tao ay parang bulaklak, nagbibigay kulay ngayon sa mundo mo, pero hindi mo alam bukas makalawa mawala na ang kulay nito at kusang mamatay"

Sa December dalawang taon na, dalawang taon na simula noong mawala ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, siya nagiisang nakakaunawa sa mga kinikilos at sinasabi ko, siya hindi nagsawang punasan yung luha ko sa bawat oras na papatak ito, siya ang walang sawang maging best friend ko kahit minsan, nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. 

Sa loob ng sampung taon na pinagsamaha natin, siguro dumaan yung mga taon na text at internet lang tayo nagkakausap pero yung affection mo ay di nawala kahit na minsan. 

Ito yung mga dahilan kung bakit kahit gaano na kahaba ang taong lumipas ay sariwa parin saking isipan ang lahat ng mga pangyayari at kung paano ka nawala sa buhay ko, na nawala ka sa mundong ito na wala ako sa tabi mo, kahit na noon ang request mo na sana pag namatay ka, ako ang nasa tabi mo, yung sulat mo sa bote na iniwanan mo sa bahay na sabi mo basahin ko lang pagwala kana, hanggang ngayon sa bawat oras na mababasa ko yun, pareho at pareho parin ang sakit. 

Ang kalimutan ka, ang isang bagay na hindi ko kayang gawin, pero ng dahil dito nanatili ang poot at sakit sakin, patawarin mo ako, kasi alam kung hindi mo gusto yung nangyayari sakin ngayon, wag kang magaalala siguro sa huling marka ko na gagawin sa sarili ko, yun na yung time na makakasama na kita. 

Tuesday, September 2, 2014

Ayaw Namin sayo

Isang malaki at isa sa mga sularanin ng karamihan ng mga kabataan ngayon ang pagkakadama na sila ay hindi tanggap ng mga tao sa paligid, nagiging sanhi ito nang pagkakaraon ng phobia sa society o Anthropophobia o kaya naman pag sa kinasamaang palad ay nauuwi pa sa pagpapakamatay. 

Hindi lang ako o ikaw nag nakakaranas na hindi matanggap ng mga tao sa paligid natin, 2 sa bawat 10 tao ang nakakaranas ng ganitong pagtrato. Masakit mang isipin na hindi nila tayo tanggap pero kaylangan nating ipagpatuloy ang ating buhay sapagkat hindi sa kanila dapat umiikot ang ating buhay. 

Maaring hindi nila tayo tanggap sa ibat-ibang dahilan, maaring panget ka, o kaya naman sobrang talino mo kaya inggit sila sayo, o naiiba ka lang talaga, hindi mo naman kaylangang palaging pakaisipin ang sasabihin nila, dapat focus ka lang sa kung sino ka kasi ikaw yan wala ng magbabago diyan, another is dapat mong isipin you are always one step ahead of them kasi, nauunawaan mo sila samantalang sila hindi nila nauunawaan yung maaring maramdaman ng isang tao sa ginagawa nila. 

Maging masaya kana lang para sa kanila, at gawin mo ring masaya ang buhay mo kasama ang pinakamalalapit mong kaibigan o kaya naman kasama ang sarili mo. 

ANG BUHAY TALAGANG GANYAN, MAY TAONG TATANGGAP SAYO AT MERON DIN NAMANG DI KAYANG GAWIN ANG SIMPLING BAGAY NA YOON.

Saturday, August 16, 2014

ANG GINOONG SERYOSO

"Hindi lahat ng masiyahing tao ay masaya, tinatago lang nila ang nararamdaman nila sa pamamagitan ng pagtwa"
 "Hindi lahat ng taong seryoso ay talagang seryoso siguro may mga nakaraan lang talaga na dahilan kung bakit sila ganoon" 

Marami sa ating lahat ang madaling humusga sa ibang tao, kahit hindi pa naman natin sila lubosang nakikilala, isa yan sa siguro pinagdaan ko, nahusgahan ng hindi pa lubosang kilala. 

Hayaan niyo akong ikwento ang isang pangyayari sa buhay ko, na siguro naging paraan para maunawaan ako ng maraming tao. 

Ilang taon narin yun, sa isang event, binigyan kami ng pagkakataon na tanongin ang isat-isa, sa di inasahang pagkakataon may isang bata, na nagtanong sakin

"Kuya P, minsan po kasi di ko maunawaan yung ugali mo, alam ko na mabait ka, pero bakit minsan straight ka magsalita at the same time ang seryoso mo po" 

Nung panahong yun, bagsak pa ang mundo ko, my best friend had just passed away, and kaka recover ko lang from a coma. I took that chance na maipaliwanag ang sarili ko kasi, alam ko na kinakainisan ako dahil sa pagiging seryoso ko at straight to the point at minsan nakakapagbitaw ako ng mga di magagandang salita. 

"To tell you honestly, siguro kaya wala akong fun sa buhay at yung reason kung bakit lagi akong seryoso eh siguro dahil nga never akong naging bata, never kung naranasan magpakabata, lahat ng oras ko simula maliit pa lang ako, ay inubos ko na pagbabasa ng mga libro, pagkukulong sa kwarto, at pag gawa ng ilang mga bagay na para sa negosyo ng pamilya, hindi ako ganoon kagaling makipag socialize sa mga tao kasi nga wala akong fun sa buhay, minsan kahit pabiro na yung gusto kung iparating nagiging seryoso parin siya kasi iniisip ng lahat, na ang bawat sasabihin ko ay seryoso ako, sa kung aking babalikan sa dami ng nakasama ko sa buhay na ito 3 lang yung maituturing kung mga kaibigan at dahil nga may plano ang diyos, kinuha niya na ang isa sa tatlong iyon, pasensya na kung wala akong fun sa buhay para gawing nakakatawa lahat ng bagay dahil isa ako sa mga taong pinagkaitang maging bata, lumalaki akong walang ibang ginawa kung hindi patunayan ang sarili ko kasi kahit anung daming medalya pa ang iuwi ko, basura lang yan para sa mga magulang ko, ni minsan sa loob ng aming tahanan ay hindi ko naranasang mapuri tungkol sa mga nakamit ko sa buhay, ni hindi ko naranasang sabihan ako na masaya sila para sa akin, ang palagi ko lang naririnig KULANG PA" 

Noong oras na yun habang binababanggit ko ang mga katagang yun ay dumadaloy ang mga luha sa mata ko, at makaraan kung sabihin yun isang sumunod na katanungan pa, 

"Kuya bakit kahit anung lalim ng pinagdadaanamn mo, ngayon ka lang namin nakitang umiiyak kasi palagi kang masaya at seryoso lang" 

"Dahil hindi ko gustong kinakaawaan ako ng iba, pinipili kong ipakitang masaya ako kasi kahit naman maging malungkot ako, walang may pakialam, mas pinipili ko nalang na itago lahat ng sugat kasi mas gusto kung nakikita ako bilang masaya kisa malungkot at kinakaawaan" 

isang aral na hindi ko alam kung mapupulot niyo dito ay ang, Hindi tayo dapat humuhusga base so una nating pagkakilala sa isang tao,bakit hindi natin alamin ang kwento para maunwaan natin, at hindi lahat ng taong masaya ay masaya talaga minsan ginagawa lang nilang masaya ang sarili nila upang hindi kaawaan ng iba. 

Saturday, August 2, 2014

JEEPNEY


"Quiapo, Quiapo, Quiapo" - "Pasig, Pasig, Pasig" - "Punta, Punta, Punta", ilan lamang yan sa karaniwang lugar na naririnig natin sa mga barker ng mga Jeep. Sa mga kagaya ko na araw-araw sumasakay ng Jeep patungo sa paaralan, trabaho o sa mga date nila, ay maraming nararanasan sa loob ng jeepney. 

"Sampuan yan, kasya pa kasya pa" isang linyang kalimitang nagpapainit ng ulo natin tuwing sasakay tayo ng jeep, yung tipong halos magpalit na kayo ng muka ng katabi mo dahil para kayong sardinas sa loob ng Jeep. Yung kasya pa daw ang isa pero nung pagsakay naman eh kakalahati na lang ng pwet mo ang makakaupo, minsan natatanong ko, yung totoo buo yung binayad ko pero kalahati lang yung nakaupo, nangyayari ang bagay na ito sa kadahilanang gustong kumita ng malaki ng ating mga manong jeepney driver, di naman natin sila masisisi dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, kung hindi sila ang masisisi, sino ang dapat sisihin. Una nating dapat sisihin ay yung mga pasaheron makabukaka sa pagupo akala mo dalawa yung binayaran niya eh isa lang din naman, pangalawa ay yung mga taong ang lapad na ang inuupuan ay pang dalawang tao, bakit kaya hindi kayo magbayad ng doble total dalawa naman yung capacity niyo, di ba kayo nahihiya na isa lang binabayaran niyo pero dalawa capacity niyo. 

Yung mga amoy na halos tumira na sa ilong mo, habang nasa jeep ka, alam ko na naranasan niyo narin na magkaroon ng katabi sa Jeep na may di magandang amoy, Tapos nagkakataon pa minsan na nakataas pa ang kamay ni kuya, tapos yung amoy ng kili-kili ni kuya ay akala mo ay bagong taon sa lakas ng putok, hindi niyo ba naiintindihan na tao din kami, nasusuka sa amoy ng kili-kili niyo, sana minsan maligo din kayo ng maayos para mawala naman yang mabahong amoy ninyo na nakakahilo.

Bukod sa ilang mga hindi mga kagandahang nangyayari sa Jeep,meron din namang pabor sa atin at alam kung sumasaya kayo pag nangyayari ang mga bagay na ito,  kagaya ng makatabi mo ay isang gwapo/maganda, o kaya naman makasabay mo si Crush tapos magkatabi kayo, pabor sayo kung siksikan diba? o para naman dun sa mga manyak, yung mga babaeng sumasakay na halos lumabas na ang kaluluwa, labas na ang dibdib o kaya naman ay pagumuupo ay matatanaw mo ang kweba ni eva. 

Hindi maiiwasan ang mga ganitong mga pangyayari sa Jeepney, ano ba naman ang magagawa natin ay parepareho lang naman tayong nakakaranas ng mga ganito dahil ito na ang pinakamurang paraan ng transportasyon sa ating bansa. Wala tayong magagawa kung hindi magtiis, pero para naman dun sa may putok hindi naman kaylangang laging magtiis, baka naman trip mo ring maligo ng maayos kahit minsa. 

TANONG LANG BAKIT BARKER ANG TAWAG, YUNG TOTOO ASO BA SILA? 

Saturday, June 14, 2014

GUBAT NG PAGKAKAIBIGAN

Sa mundong ito may dalawa tayong uri ng kaibigan? Ikaw sa Palagay mo ano yoon? Naka Encounter kanaba noon? Halika sama ka tuklasin natin ang isang malagubat na mundo ng pagkakaibigan!

Sabi nila pag may problema ka raw sa love life, pamilya at kung anu-ano pa ay may mga kaibigan daw tayong masasandalan mga kaibigang handang tulongan ka kahit ano pang bigat ng problema mong dinadala at wag nga lang daw sa financial at talagang mahirap ang bansang Pilipinas sa panahon ngayon. 

"ANG GUSTO KUNG MGA KAIBIGAN LAGING NAKA REXONA, KASI I KNOW THEY WONT LET ME DOWN" 
"ANG PINAKAMASARAP NA PAKIRAMDAM SA MUNDO AY YOONG MAALALA KA NG KAIBIGAN MO KAHIT WALA SIYANG KAYLANGAN SAYO"

"ANG TUNAY NA KAIBIGAN, ALAM NA ALAM KUNG PAANO KA SISIRAIN, PERO HINDI NIYA KAYANG GAWIN"

Syempre una sa lahat, ang unang uri ng kaibigan ay ang TOTOO, totoo sa ibat-ibang aspeto,
Balik tayo sa Quote No. 1, kahit anong gulo ang dumating sa buhay mo, at kahit anung sakuna ang dumagok sayo, at kung nararamdaman mo na nasa gitna ka ng langit at lupang magkadikit, yung mga kaibigan mo na kahit anong manngyari di ka pababayaan sila yung andyan lang, sumigaw ka lang, (Wag lang sa maraming tao at nakakahiya din naman po) Lumapit ka lang sa kanila, ibahagi mo ang nararamdaman mo, at sure ako tutulongan ka nila kasi hindi nila gustong nakikita kang nakadapa(pag literal ay nakakatawa pag nadapa ka pag kasama mo mga kaibigan mo) Umiyak ka lang sa mga balikat nila at tyak at nakakasaigurado ako matutulongan ka nila sa problema mo(Wag lang pambayad sa utang ang hihingin mo at baka mas marami pa siyang utang kisa sayo"..

Quote No. 2, As friends diba syempre maghihingian tayo ng tulong, hihingi ka ng pabor sa kanya, hihingi sya ng pabor sayo friends with benefits kung iisipin.. Pwede naman yung hihingi ka ng tulong sa kanya(Kunyari nalulunod ka Joke) wag ka rin namang abusado na porket binibigyan ka ng tulong ehh aaraw-arawin mo na, at kung yung kaibigan mong yoon ay humingi din ng tulong sayo lend an open hands to help hindi yung iseseen mo lang message niya sayo sa fb o kaya mangangatwiran kang wala kang na receive na text(maliban na nga lang kung wala ka talagang cellphone wala ka talagang mareceive) at sa isang pagkakaibigan hindi naman dapat at hindi rin maganda na maaalala mo lang siyang kamustahin kapag may kaylangan ka tapos pag wala na, ehh wala kana rin pakialam sa kanya ano siya charity na pag may kaylangan ka lang tsaka mo siya pupuntahan kung sa sagip kapamilya ka kaya pumupunta dun maraming relief goods para sa patay gutom mong paguugali.

Quote No.3 Sa pagkakaibigan hindi niyo naman maiiwasan na magkaroon ng konting away o di pagkakaunawaan pero tandaan mo kung totoo siya sayo kahit sinabi mo na sa kanya, na maitim ang singit mo, may kalyo ka sa kilikili, may alipunga ka sa paa, at may an-an ka sa pwet ay hindi niya ipagsasabi yan sa ibang tao, mananatili yang sekreto dahilkung isnag kaibigan ay totoo sayo tandaan mo Hinding hindi niyan kayang sirain ang reputasyon mo, pero isa ring paalala mahirap na humanap na tunay na kaibigan sa panahon ngayon kaya siguro dapat na tayong magingat sa kung ano mang ang ating ibabahagi sa kanila, dapat hindi natin lahat sabihin ang baho natin sa kanila, dapat limited ka rin sa kung ano lang dapat nilang malaman, kasi kung nagkataon at nagkamali ka, kakalat sa buong bayan na maitim ang singit mo.

"ANG PLASTIK GINAGAMIT HINDI INUUGALI"
Quote No. 4 Syempre ito yung pangalawang uri ng kaibigan, OO usong uso na to ngayon, mga Taong Plastik, Sila yung mga tao na bukas makalawa iiwanan ka, sila yung mga mamatay kana wala ring pakialam sayo, magkaproblema ka at ishare mo sa kanila sagot lang nila sayo AHH, kasi wala silang solusyon kasi wala silang paki sayo, andyan lang sila sa simula, pag dating sa gitna nawawala sa ibang ilog na namamangka, at pagnalaglag ang sagwan nila, lalapit ulit sila sayo kasi may kaylangan sila sayo, at Higit sa lahat ang pinaka masama sa mga plastic ay yung nagshare ka ng baho mo, pagtalikod mo ay nako pass the message na ang mangyayari, nakakahiya kapa kasi malalaman ng pilipinas na may kalyo ka sa kili-kili..

Hindi naman masama ang magtiwala sa tao pero ikaw bilang may reputasyon ka, ikaw mismo alagaan mo kung ano yung meron ka, isipin mo muna bago ka magbahagi, tanongin mo muna ang sarili mo tama ba na gawin ko to, tandaan mo bago ka makapagpalalim ng hukay ay nangangailangan kapa ng mahabang proseso para hukayin ito at dapat kahit mabato at malubak ang daan patuloy kayo at hindi kiya iiwanan para naman makihukay sa iba dahil mabato ang hinuhukay niyo.. Unawaain mo lang ng mabuti kung ano yung gusto kong ipahiwatig sa mga malalim na paghuhukay na sana ikaw maisip mo na hindi talaga lahat ng kaibigan ay totoo pero ito ang tatandaan mo

HINDI SIYA SAYANG KASI INIWAN KA NIYA, IKAW ANG SAYANG KASI NAGKAMALI SIYA NG INIWANAN, NAGKAMALI SIYA AT HINDI IKAW, INIWAN KA NIYA DAHIL TANGA SYA,..